Short Story

Pagkatapos kong mag-CR, naisip ko na mag grocery at dumaan sa Boulangerie para bumili ng discounted bread. Malapit na kasi mag 7PM. Pagbaba ko ng office, nakita ko yung officemate ko papasok. Sabi ko sa kanya, “Uy ang aga mo ah!” 8PM pa kasi pasok nya. Pagpasok ko ng Grand (amoy) Canal Mall, binati ako nung security guard ng usual nya na, “Buona sera!”. Umakyat muna ako para i-check kung may aloe vera gel na sa MUMUSO (wala pa din). Sabi naman ni ate na tiga MUMUSO, “Annyeong haseyo! Mumuso!” Napansin ko medyo madaming tao. Friday kasi siguro. Nung papunta na ko sa tinapayan, may madadaanan uli ako na guard. Eh di bumati sya ulit ng, “Buona seraaa!” tapos sinundan nya ng “Bukas ang zipper nyo Ma’am.”